DAGUPAN CITY– Sugatan ang tatlong katao matapos masangkot sa isang vehicular accident sa kahabaan ng barangay Lasip, Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ni Police Lt. Col. Ferdinand de Asis, hepe ng Calasiao PNP ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Jose Vallo, tubong Nalsian, Calasiao, at kasamang si Elmo Caoili, na residente ng Poblacion East sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng otoridad, habang ibabaybay ng motorsiklo ang highway sa nasabing lugar ay nabangga nila ang 16 anyos na grade 9 student.

--Ads--

Mabilis umano ang takbo ng motor at hindi napansin ang papatawid na biktima.

Police Lt. Col. Ferdinand de Asis, hepe ng Calasiao PNP

Kaagad naman silang dinala sa Pangasinan provincial Hospital.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na ang mga ito.