Nasawi ang 20 katao matapos ang pagguho ng residential building sa Gaza City.

Pawang mga Palestino ang nasawi na kinabibilangan ng babae at bata.

Maraming indibidwal din ang na-trap sa loob ng gumuhong gusali.

--Ads--

Ayon sa Palestinian Civil Defense , na mayroong 14 na katao ang sugatan sa pagguho ng anim na palapag na gusali.

Aabot naman sa 100 na mga Palestino ang nasa ilalim ng mga gumuhong gusali.

Nagpaabot naman agad ng tulong ang mga bansa gaya ng Egypt, UAE at Qatar.

Ang nasabing gusali at tinamaan na ng missile ng Israel subalit may ilang mga residente pa rin ang nagpasya na manirahan muna doon.  

| Via Bombo Jovino Galang