Gulat at hindi pa rin umano makapaniwala ang top 6 sa Nurse Licensure Examination na mula rito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan Tricia Jane Bautista, 20 anyos mula sa lungsod ng San Carlos at graduate ng University of Pangasinan nagulat siya nang mapuno ang inbox nito dahil sa dami ng nagpaabot ng kanilang congratulatory message hinggil sa kaniyang pagkakapasa at pagiging top 6 sa naturang iksaminasyon.

Naiyak din umano sa tuwa ang kaniyang mga magulang nang malaman ang balita.

--Ads--

Sa ngayon aniya ay balak muna niyang magpahinga ng kaunti bago ang pagsabak sa trabaho dito sa bansa.

Nagpapasalamat naman ito sa lahat ng mga taong naniwala at tumulong sa kaniya para makapagtapos ng pag-aaral.

Nabatid din na pang siyam din ang Universiry of Pangasinan sa passing rate ng mga eskwelahan kung saan 65 sa 76 na kumuha ng iksaminasyon na nag aral dito ang nakapasa sa pagsusulit.