BOMBO DAGUPAN – Hindi lubos makapaniwala ang isang Pangasinense na magwawagi sa World Championship of Performing Arts 2024 na ginanap sa California, USA.

Ayon kay Rich Adriane Riel, 20 anyos, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, hindi biro ang pinagdaanan niyang pagsasanay bago sumabak sa international competition.

Saad nito na siya ang nag-iisang Pangasinense sa kabuuang 67 na delegado ng Pilipinas para sa World Championship of Performing Arts 2024.

--Ads--

Nag-uwi ng dalawang gintong medalya si Rich Adriane para sa Vocal solo with accompany category.

Siya rin ang hinirang na division champion para sa rock at open category.

Nakasama din niya sa kompetisyon ang ibang kilalang sikat na singer.

Sa ngayon ay wala pa siyang plano sa pagsabak sa ibang kompetition pero nagsusulat din siya ng mga kanta at inaasahang ito ay lalabas digital platform.