Aabot na sa 15 lalawigan sa Luzon ang nakararanas na ng tagtuyot sa kasagsagan ng mainit at tagtuyot na panahon.

Sa isang climate forum, tinukoy ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga apektadong lalawigan na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quirino, at Tarlac.

Ayon sa PAGASA, itinuturing na tagtuyot kapag may higit 60 porsyentong pagbawas sa ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan. Dagdag pa nito, 32 lalawigan ang nasa ilalim ng dry spell habang 23 naman ang nasa dry condition.

--Ads--

Ang dry spell ay tumutukoy sa 21 hanggang 60 porsyentong pagbaba ng ulan sa loob ng tatlong buwan, habang ang dry condition ay kapag nananatiling below normal ang ulan sa loob ng dalawang buwan.

Samantala, 10 lalawigan sa Visayas at Mindanao ito ay ang Samar, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, at Camiguin ay hindi pa apektado ng pagbaba ng ulan.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang mainit at tuyong kondisyon hanggang unang kalahati ng Mayo, at maa­aring umabot sa 40.8°C sa Northern Luzon at 40.0°C sa mga lowland area ang maximum temperature.

agdulot ng malalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng bansa. Ngunit sa bandang huli ng taon, inaasahang magpapababa ito ng ulan at ng bilang ng tropical cyclone, na ma­reresulta sa mas tuyong kondisyon.

Maa­ari umanong tumagal ang El Niño hanggang unang quarter ng 2027, at posibleng uma­bot sa ikalawang quarter ng taon.