Isang 13 anyos na dalagita ang ginahasa ng kanyang Ninong sa barangay Bacnar sa lungsod ng San Carlos.

Ayon sa salaysay ng biktima, bibili lang sana siya ng softdrink sa tindahan ng kanyang ninong pero bigla siyag hinila at ginahasa sa loob ng tindahan.

Tinakot pa raw siya ng suspek na siya ay papatayin kapag nagsumbong.

--Ads--

Umalis na umano ang suspek sa kanilang lugar at inamin ang lahat ng nagawa sa kanyang inaanak.

Nakatakda namang isailalim sa medico legal ang biktima.