Kinumpirma ng Dagupan City PNP na mayroong 12 PNP personnel na nagpositibo sa Covid 19 sa lungsod.
Ayon kay PMaj Benjamin Raquedan ang Deputy Chief of Police ng Dagupan City PNP, naka-quarantine na ang mga ito habang 16 na iba pang pulis ang naka isolate ngayon dahil itinuturing na direct contact ng mga nagpositibo.
Dagdag pa nito na matapos lumabas ang resulta ng mga pulis na nagpositibo, agaran nilang inalerto ang kanilang hanay at nagsagawa ng swab testing.
Inamin naman nito na nagkukulang sila ngayon sa personel kaya’t nagrequest sila sa Provincial Office ng karagdagang tauhan na makatutulong sa kanila sa pagpapanatili ng seguridad sa lungsod.
Aniya hihintayin pa nila ang approval ng PPO kaugnay sa augmentation request nila ngunit inaasahan nito na sa sunod na linggo ay mabibigyan sila ng karagdagang 20 PNP personnel.
Napag-alaman na ang mga kapulisan na nagpositibo sa lungsod ay fully vaccinated na habang ang ilan sa kanila ay nabakunahan na ng 1st dose vaccine.
Sa datos naman ng PNP Dagupan, 72 na kapulisan na ang nagpositibo sa Covid 19, 60 dito ay fully recovered na habang 12 ang kasalukuyang sumasailalim sa quarantine matapos ngang magpositibo.