BOMBO DAGUPANNasawi ang isang indibidwal habang hindi naman bababa sa 24 ang sugatan sa isang mass shooting sa lungsod ng Akron, sa Ohio, Estados Unidos.

Hindi pa din natutukoy ng Akron Police Departmetn ang suspek sa likod ng nasabing pamamaril habang nagpapatuloy pa din ang imbestigasyon sa pangyayari.

Anila, hating gabi sa nasabing lungsod nang mangyari ito kung saan natagpuan ng mga otoridad ang mga basho ng bala at isang baril.

--Ads--

Kumpirmado namang non-life threatening ang natamo ng karamihan sa mga sugatan subalit ang iba naman ay nakapagtamo ng mas seryosong kondisyon.

Ipinangako naman ni Akron City Mayor Shammas Malik at si Police Chief Brian Harding na papanagutin ang responsable sa pamamaril.