Mga kabombo! Talagang undas is coming na nga at ramdam na ramdam na rin ang holloween!
Aakalain mo kasing nasa pelikula ka sa bansang Mexico!
Ngunit, hindi gaya sa pelikula, nilalayuan ang mga zombie, ngunti sa Mexico, aba! Nilalapitan pa?
Dinadagsa ng pamilya ang isang taunang selebrasyon na ginaganap sa kanilang bansa.
Ayon sa ulat, sinabing libu-libo ang lumahok at dumalo aktibidad na binansagang “Zombie Walk” sa Mexico.
Ginaganap ang taunang Zombie Walk bago ipagdiwang ang Araw ng mga Patay.
Isa sa mga kalahok at nag-costume at make-up na Zombie Queen, nakakatakot mang tingnan pero buhay na buhay ang diwa ng pamilya sa ganitong okasyon.
Nagsimula naman ang ideyang ito sa California pero ginagawa na rin daw sa iba’t ibang panig ng mundo. At sa Mexico naman ay nagsimula ito taong 2007.