DAGUPAN CITY- Isang hakbang bilang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isinasagawang hakbang ng mga OFW na tinatawag nilang Zero Remittance Week.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lawrence Valmonte, Bombo International News Correspondent sa Qatar, hati ang opinyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa isinusulong na Zero Remittance Week.
Aniya, ang gagawing Zero Remittance Week ay kasabay ng kaarawan ng dating Pangulo.
Ang nasabing hakbang ay parte aniya ng pagpapakita ng suporta ng mga kababayang Pilipinong nasa ibayong dagat sa dating Pangulo.
Para naman sa mga taga-suporta, tila nawalan ng karapaan ang dating Pangulo na ipagtanggol ang kaniyang sarili kaya’t ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang ipakata na hindi nag-iisa ang dating pangulo.
Dagdag niya, hindi mawawala ang hating opinyon ukol sa nasabing isyu.