Tiniyak ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ito ay gaganti matapos ang madugong airstrike ng Russia sa shopping center sa Kryvi Rih, central Ukraine.

Sa nasabing insidente ay umabot na sa 16 na katao ang nasawi.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang paghaluglog ng mga rescuers sa mga gumuhong gusali.

--Ads--

Tinawag ni Zelensky ang drone attack na ito na isang uri ng kaduwagan.

Ang ansabing lugar kasi ay siyang bayan kung saan nakatira si Zelensky.

Makailang ulit na itong tinarget ng Russia sa apat na taong giyera ng dalawang bansa.

Sa loob din ng 24-oras ay nasa 13 Ukrainians na ang nasawi at dalawang sundalo na Russia din namatay.