BOMBO DAGUPAN – Nakapaloob sa labor code ang workmans compensation kung saan kapag may nangyaring hindi maganda sa isang empleyado ay maaaring managot ang employer kung ito ay work-related.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo Resource Person Duralex Sedlex na batay sa Article 1711 ng Civil Code of the Philippines na kapag napatunayan na may kapabayaan ay pwedeng makasuhan ng workmans.

Kung saan ang workmans compensation ay funded ng estado at ipinamamahagi ito sa trabahador na apektado.

--Ads--

Ani Atty. Tamayo na may dalawang pagpipilian sakaling mayroon kang kaanak o kakilala na sangkot sa ganitong pangyayari maaaring magdemanda o di naman kaya ay dumiretso na humingi ng tulong sa workmans compensation commission.

Naaangkop naman ito hindi lamang sa pambulikong sektor kundi maging sa pribadong sektor.

Samantala, nagpaalala naman ito sa mga mangagawa na laging mag-iingat at ugaliing handa ang katawan bago magtrabaho.