Inilarawan na record-breaking snow ang nararanasang winter storm sa Florida.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, sinabi nito na ang nasabing snow ay kumitil na ng siyam na katao kung saan lima sa kanila ay nasawi dahil sa icy conditions.

Inaasahang tatagal pa ng hanggang 2 araw ang napakalamig na panahon.

--Ads--

Aniya ang Florida, ay isang tropical place parang Pilipinas na hindi nagkakaroon ng snow kung kaya naman hindi aniya equiped ang mga mamamayan doon para tugunan ang blizzard condition.

Bihirang nagkakaroon ng snow sa Florida, bagamat noong 2014 ay naranasan na rin ang pagkakaroon ng snow sa maliit na bahagi nito.

Pinaniniwalaan na ang lamig doon ay sinasabing galing sa Canada at dulot ng climate change.

Ang malamig na hangin mula sa Arctic ay nagdulot ng matinding lamig sa malaking bahagi ng Midwest at sa silangang bahagi ng Estados Unidos, na nagresulta sa pagkansela ng daan-daang flights at pagsara ng mga tanggapan ng gobyerno, pati na rin ang kawalan ng pasok sa mga eskuwelahan.