Dagupan City – Inaasahan na mas lalakas pa at lalawak ang pinsala sa nangyayaring wildfire sa California.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa California ito umano ang inaasahan na susunod pang mangyayari sa bansa.

Kaya kahit na nauna nang nagprepara aniya ang mga ahensya rito, malaki pa rin ang tiyansa na hindi ito maging sapat dahil sa tuyo na rin ang nasabing area at magkakatabing mga imprastraktura.

--Ads--

Kung saan pumalo na umano sa 40,000 ektarya ng Los Angeles area ang natupok ng apoy na kinabibilabgan naman ng nasa 12,300 kabahayan at establishimento.

Sa katunayan aniya, isa na ito sa pinakamalalang wildfire na naitala sa bansa lalo na kapag sumasapit ang Santa Ana winds.

Kaugnay nito, tinawag ni Pascual ang insidente bilang “very depressing” dahil kapag may bagyo at buhawi ay mayroon at mayroon pa ring matitira, ngunit sa sunog ay nagiging abo na lamang ang lahat.

Sa kasalukuyan, umabot na sa higit 12,000 bumbero ang nakaantabay at umaapula ng apoy, habang naka-full alert pa rin ang lahat ng ahensya sa lugar.

Paalala naman nito sa mga apektado na maging matatag at maging alerto pa rin sa mga mapagsamantalang inidbidwal na patuoloy na gumagawa ng krimen gaya ng scamming at fraud.