Mga kabombo! Tila kakaiba ang nasaksihan ng mga residente sa Albay.

Ito’y matapos makita ang ulap malapit sa bulkang mayon na hugis ipo-ipo. Kung saan, nagmistula itong umiikot na alon sa kalangitan.

Ayon sa mga eksperto, ang ulap na naging hugis ipo-ipo ay nabubuo dahil sa kondisyon ng hangin. At nagkakaroon ng ganitong klase ng pormasyon kapag nakakapagtala ng malalakas na hangin.

--Ads--

Ngunit, bagamat nakakabighani, nilinaw ng mga eksperto na ang ganitong ulap ay natural na penomenon at walang masamang dulot.

Samantala, tiniyak ng mga lokal na awtoridad na walang naitalang aktibidad na may kaugnayan sa bulkan, at ang nasabing ulap ay resulta lamang ng bihirang lagay ng panahon. Ayon naman sa mga nitizens, ang tanawin na ito ay isa na namang patunay sa kagandahan at misteryo ng kalikasan na dapat pahalagahan.