Nag-abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng magnitude 6.8 na lindol sa New Zealand nitong Martes ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, ang lindol sa kanlurang baybayin ng South Island sa New Zealand ay naitala bandang 9:43 ng umaga at may lalim na 10 kilometro.
Wala namang mapaminsalang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng lindol.
--Ads--
Nabatid na ang New Zealand ay nasa hangganan ng dalawang malalaking tectonic plates at madalas na tinatamaan ng mga maliliit na lindol taon-taon.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon.