Dagupan City – Ibinahagi at binigyang diin ni Vice President Sara Duterte ang mga tatlong tema ng kanyang kampanya sa bayan ng Lingayen.

Sa kanyang talumpati, tinalakay nito ang kanyang kampanya tungkol sa seguridad ng munisipalidad, probinsya at ng buong bayan, edukasyon, tungkol sa korupsyon at kahalagahan sa darating na eleksyon.

Ayon sa bise, prayoridad sa lokal na pamahalaan ng bawat bayan ang peace and order, dahil kung hindi binigyang kahalagahan ang peace and order, mababalot ng takot ang mga taong nasasakupan nito.

--Ads--

Binigyang diin pa nito ang kahirapan dahil sa kawalan din ng trabaho.

Samantala, pinaalalahanan naman nito ang publiko na isipin at alalahanin ang mga pangako ng isang kandidato noong siya ay nangangampanya pa lamang kung ito ay natutupad ba sa kaniyang termino at huwag magpapadala sa pagbili ng mga boto.