DAGUPAN CITY – Inaasahan ang pagdagsa ng mga tao na magtutungo sa mga sementeryo sa darating na undas.

Kalakip nito ay ang pagdami na naman ng volume ng mga basura na maiiwan sa mga sementeryo lalo na sa mga kakain at mag-iiwan ng mga bulaklak sa mga puntod.

Ayon kay Tony Dizon Campaigner, Ban Toxic bagamat ay isa ito sa problemang kakaharapin sa darating na undas nananawagan ang kanilang grupo na kung kayang iwasan o bawasan ang dami ng basura ay gawin na lamang.

--Ads--

Aniya kung dinatnan na malinis ang mga sementeryo ay panatilihin din itong malinis.

Samantala, ibinahagi naman niya na mayroong pamamaraan na inilabas ang kanilang grupo na aniya ay maaaring maging gabay sa pagpunta sa undas.

Kabilang na rito ang paggamit na lamang ng reusable o mga washable na lalagyan ng pagkain gayundin ang pag-uwi na lamang ng mga basura paglabas ng sementeryo.

Paalala naman nito sa publiko para hindi na makadagdag sa problema sa basura ay gumamit na lamang ng reusable at kapag bibili naman ng bulaklak ay huwag na ang nakaplastik dahil dadagdag lamang ito sa ating pangangasiwaan.