Sinimulan nang ibiyahe ang mga gagamiting Vote counting machine o vcm at voters registration verificaton machine o  vrvm sa mga polling center sa Pangasinan.

Sa lungsod ng Urdaneta, bantay sarado ng pulisya ang mga VCM at VRVM  at walang ibang puwedeng makapasok sa kinaroroonan nito.

Napag-alaman na nasa lungsod ng Urdaneta ang provincial hub.

--Ads--

Samantala, nakahanda na rin ang commissionn on elections sa isasagawang final testing sa araw ng Biyernes.

Mahalaga ito para malaman kung may depektibong vcm at vrvm upang agad na mapalitan para magamit sa araw ng eleksyon. Titiyakin  na handa na ang mga makina para sa araw ng eleksyon.

Ang mga papalyang unit ay sasailalim sa check up at panibagong  testing  process bago tuluyang ideploy  sa mga presinto.