BOMBO DAGUPAN – Ipinagtanggol ni US Vice-President Kamala Harris ang kanyang mga shift sa patakaran, si Pangulong Joe Biden, at ang kanyang oras sa White House sa kanyang unang panayam mula nang maging Democratic nominee.

Aniya na nagawa ng administrasyong Biden na bawasan ang mga illegal border crossings nitong mga nakaraang buwan at narekober ang ekonomiya pagkatapos ng pandemya.

Tinawag niyang “tagumpay” ang mga patakaran ng White House, partikular na ang pagbaba sa mga gastos sa inireresetang gamot at ang rate ng kawalan ng trabaho.

--Ads--

Saad na Harris na ang pinakamahalagang aspeto ng kanyang pananaw sa mga polisiya at mga desisyon ay hindi nagbago.

Matatandaan na ibinasura na ni Trump ang unang panayam ng bise-presidente, na tumagal ng 27 minuto, bago ito ilabas dahil na-pre-tape na ito at kasama si Mr Walz.