BOMBO DAGUPAN – “Walang pupuntahan ang kaso laban kay Trump”

Yan ang binigyang diin ni Rufino “Pinoy” Gonzales, Bombo International News Correspondent in USA kaugnay sa kasong kinakaharap ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan ay 6-3 aniya ang naging boto o desisyon ng korte suprema kung saan ang 6 na justices ay boto para sa partial immunity kay trump habang ang 3 naman ay bumoto laban sakanya.

--Ads--

Pagbabahagi ni Gonzales na ang mga paratang kay Trump ay pawang mga conspiracy lamang o walang ebidensiya dahil kung hindi naman official ang act aniya ay hindi ito maituturing na illegal.

Samantala, galit na galit naman daw si US President Biden sa naging ruling ng korte sa nasabing kaso bagamat ang lahat ng mga democrats ay takot aniya dahil kapag manalo sa pagkapangulo si Trump ay baka rumesbak ito sa mga nangdidiin sa kanya ukol sa mga kasong kanyang kinasasangkutan.