BOMBO DAGUPAN- Takot na maging “distraction” sa intraparty battle ng kandidatura para sa mga Democrats at pagtalo kay Donald Trump.

Ito ang inilabas na pahayag ni US President Joe Biden kaya ito umatras sa kaniyang re-election bid.

Nilinaw nito na wala din siyang seryosong dinaramdam sa kaniyang kalusugan. Kahit pa man matatandaang isinisisi nito ang kaniyang sakit sa kaniyang hindi magandang performance sa Presidential Debate.

--Ads--

Nangako naman ito na ikakampanya niya si Kamala Harris at tutulong hanggang sa kakayanin nito.

Dagdag pa niya na kailangan umanong talunin si Donald Trump.