Ipinag-utos ng isang hukom ang paghatol kay US-President Elect Donald Trump sa January 10 dahil sa hush-money case nito sa New York.
Ayon kay New York Justice Juan Merchan, hindi nito ipapakulong o pagpapyansahin si Trump kundi bibigyan nito ng “conditional discharge”.
Binanggit niya rin sa kaniyang kasulatan na maaaring humarap si Trump nang personal o sa virtual.
--Ads--
Samantala, sinubukan naman ni Trump na gamitin ang kaniyang pagkakapanalo upng i-dismiss ang nasabing kaso.
Matatandaan na nahaharap si Trump ng 34 felony counts noong Mayo, nakaraang taon, dahil sa pamemeke ng kaniyang business records na may kinalaman sa kabayaran kay adult-film star Stormy Daniels.