Mainit na usapin ngayon sa Amerika ang pagbabalik ni US President Elect Donald Trump sa paghihigpit ng immigration ng bansa.
Ayon kay Zaldy Tejerero, Bombo International News Correspondent in USA na inaasahang magkakahigpitan na doon kaya’t mainam na boluntaryo na lamang na magsi-uwian ang mga illegal immigrants.
Gaya ng naging pangako ni Trump noong kaniyang kampanya na seseryosohin aniya ang deportation ng illegal immigrants.
--Ads--
Bukod dito ay tututukan din niya ang pagkakaroon ng malinis na gobyerno gaya na lamang ng paglilinis sa mga big states sa Amerika lalo na at napakarami paring mga corrupt na politiko.
Ani Tejerero na malaki ang magiging tulong nito sa pagbangon muli ng kanilang ekonomiya.