Inanunsyo ni US President Donald Trump na iti-take over ng Estados Unidos ang Venezuela matapos ang matagumpay na operasyon militar sa Caracas.

Ayon sa kanya, pansamantalang pamamahalaan ng U.S. ang bansa hanggang sa maitatag ang ligtas na transisyon tungo sa bagong gobyerno.

Inaresto ng mga puwersang Amerikano si Venezuelan President Nicolás Maduro at ang kanyang asawa na si Cilia Flores.

--Ads--

Dinala sila sa Estados Unidos upang harapin ang mga kasong narco-terrorism at drug trafficking.

Nanatiling ipinatutupad ang embargo sa langis ng Venezuela habang nakaposisyon ang mga pwersang pandagat ng U.S. sa rehiyon.

Binalaan ni Trump ang iba pang opisyal ng Venezuela na maaari silang masapitan ng kaparehong kapalaran kung patuloy silang magiging mapang-abuso.

Plano ng U.S. na isali ang mga kompanyang Amerikano sa muling pagpapatayo ng industriya ng langis ng Venezuela.

Itinuturing ng pamahalaang Amerikano na tagumpay ang operasyon at simula ng pagbabalik ng sigla sa ekonomiya ng bansa.