Dagupan City – ‎Tinatayang aabot sa 35,000 na mga bumisita sa lahat ng m sementeryo ang naitala ng San Fabian PNP.

‎Ayon sa hepe ng San Fabian Municipal Police Station na si PLTCOL Danilo Perez, Tahimik at maayos ang naging paggunita ng Undas sa bayan ng San Fabian kung saan walang naitalang anumang insidente ng krimen sa buong araw ng paggunita.

‎S kabila ng Libo-libong residente at bisita ang dumagsa sa mga pampubliko at pribadong sementeryo upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay nanatiling maayos ang daloy ng trapiko at hindi na kinailangang magsara ng mga pangunahing kalsada sa bayan.

‎Mahigpit ang ginawang pagbabantay ng mga pulis at volunteer groups sa bawat sementeryo upang matiyak ang kaayusan at seguridad ng publiko. Sa kabuuan, naging payapa at organisado ang takbo ng Undas sa bayan.

‎Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pulisya sa kooperasyon ng mga mamamayan na maagang nagsadya at sumunod sa mga alituntunin, dahilan upang manatiling matiwasay ang paggunita ng Undas ngayong taon.