Matagumpay ang isinagawang unang commercial shipment ng Pilipinas ng mga sariwang Carabao mango patungong Toronto, Canada na nagmarka ng isa pang mahalagang tagumpay sa pagsusulong ng administrasyong Marcos na pag-iba-ibahin ang export markets at bawasan ang pagdepende ng bansa sa mga tradisyunal na agricultural buyers.

Ang Department of Agriculture (DA) ay bahagi ng send-off ceremony sa Philippine Airlines cargo terminal sa Pasay City, na nagbibigay-diin ng makabuluhang tagumpay para sa isa sa pinakatanyag na produktong prutas ng bansa.

Ang shipment ay kasunod ng inaugural export noong nakaraang taon ng mga sariwang Philippine mango sa Rome, na bahagi ng mas malawak na istratehiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang palawakin ang global footprint ng mga produktong pang-agrikultura ng bansa.

--Ads--

Bukod sa mangga, saging at niyog, agresibo ring isinusulong ng DA ang isang mas malawak na hanay ng mga high-value crops, kabilang ang Cavendish Bananas, Cardaba / Saba Bananas, Cacao, Pomelo, Rambutan, Dalandan, Mango, Pineapple, Okra, Asparagus, Pili, Durian, Avocado, Dragon Fruits, Calamansi at Ube.

Ang Philippine Agriculture Office sa Washington, D.C. ay nakipag-ugnayan para sa shipment sa Philippine Consulate General sa Toronto, sa Philippine Trade and Investment Center sa Toronto, at sa mga stakeholder ng industriya ng mangga.