Dagupan City – Nakalikom ng 56 bags ng dugo mula sa 60 potensyal na donors sa isinagawang unang blood letting activity sa bayan ng San Nicolas.

Naging matagumpay ito sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng lokal na pamahalaan, Provincial Health Office (PHO), at Pangasinan Provincial Hospital (PPH).

Nagpaabot naman ang alkalde ng kanyang pasasalamat sa mga nagmalasakit na donor kung saan binigyan nila ang mga ito ng tig-limang kilong bigas.

--Ads--

Sinabi niya na ang kanilang kontribusyon ay isang patunay ng pagpapahalaga sa buhay ng kapwa.

Samantala, ang mga nakalap na dugo ay magagamit upang makatulong sa mga nangangailangan ng agarang medical attention.