DAGUPAN CITY- Arestado an 2 indibidwal sa Barangay. Nancayasan, sa lungsod ng Urdaneta matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-PANGPO, katuwang ang Urdaneta City Police Station.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rechie Camacho, ang Provincial Officer ng PDEA-Pangasinan, matagumpay na naaresto sina Ernesto Abedio Apostol at Jhosua Dagausi Abideo, mgs tubong Benguet, sa kamakailang buy-bust operation.
Nakumpiska umano sa dalawang suspek ang 7 piraso ng dried marijuana leaves at mga tangkay na nababalot sa transparent na cling wrap. Ito ay may bigat na 7 kilos at nagkakahalagang P840,000.
Nakuha din sa mga suspek ang iba pang kagamitan na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang mga transaksyon, maging ang isang motorsiklong walang plaka.
Nahaharap naman sa kaso ang mga ito sa paglabag sa Sec 5. Art, II ng Republic Act no. 9165.
Bago naman ito, nakakumpiska na aniya sila ng mas malaking halaga ng ilegal na droga sa bayan ng Aguilar kung saan umaabot ang halaga nito sa umaabot sa 5 milyon ang kanilang nahuli, kung saan dalawang indibidwal din ang arestado.
Masasabi naman ni Camacho na bagong pasok lamang ang mga suspek sa ganitong gawain.
Ngunit aniya, malawak naman ang nasasangkot sa kalakan ng mga ito kung saan umaabot pa sa labas ng Pangasinan.
Samantala, patuloy pa rin ang kanilang pagpapaigting sa pagmomonitor upang matunton ang iba pang mga nagsasagawa ng ilegal na aktibidad.
Ibinahagi naman niya na may 7 barangay sa bayan ng Manaoag at Dasol ang nadagdag na drug-free barangay ngayon taong 2024.