DAGUPAN CITY- Ukraine, naglunsad ng bagong offensive measures sa Kursk, Russia.

Naglunsad ang Ukraine ng bagong opensiba sa rehiyon ng Kursk sa Russia, ayon sa Ministry of Defense ng Russia.

Sinabi ng ministry na patuloy ang kanilang mga pagsisikap upang durugin ang mga grupong sumasalakay mula sa bansa.

--Ads--

Inilahad din ng mga opisyal ng Ukraine na may operasyon na nagaganap.

Noong Agosto ng nakaraang taon, unang pumasok ang mga pwersa ng Ukraine sa Kursk at nakakuha ng teritoryo.

Ngunit sa mga nakaraang buwan, nakapag-advance ang mga pwersang Ruso at pinalakas ang kanilang kontrol sa lugar, subalit hindi nila tuluyang naitaboy ang mga pwersa ng Ukriane.

Ayon sa Ministry of Defense ng Russia, naglunsad ang nasabing bansa ng kontra-opensiba laban sa mga Russian gamit ang dalawang tangke, isang counter-obstacle na sasakyan, at 12 armored vehicles.

Ibinahagi rin ng ilang Russian military bloggers ang mga detalye ng pag-atake mula sa base ng Ukraine sa Sudzha papuntang mga nayon ng Berdin at Bolshoye Soldatskoye.

Nagbigay ng pahayag si Andriy Yermak, pinuno ng opisina ng Pangulo ng Ukraine, na nagsabing may magandang balita mula sa Kursk at nararapat lamang na maranasan ito ng Russia.

Samantala, iniulat ng ilang bloggers na maaaring diversionary ang opensiba, ngunit hindi rin tinatanggal ang posibilidad na maganap ang isang pangunahing atake sa ibang lugar.