Hati ang opinyon at saloobin ng mga mamayan ngayon ng United Kingdom hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Royal Family.

Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan International Correspondent Buddy Bernardino mula sa London, ito ay dahil sa pananaw ng marami, ayaw na nila sa monarkiya at pinaniniwalaang hindi na ito marapat pa sapagkat nasa 21-dantaon na tayo.

At gaya rin ng mga nagdaang Prime Minister sa United Kingdom, kahit pinilit na magbigay komento si Boris Johnson ay minabuti nalang nitong hindi mabigay reaksyon sa ‘di umano’y mental health related at racism issue na kinasasangkutan ng naturang prominenteng mag-anak.
VC BERNARDINO MONARKIYA

--Ads--
Voice of Bombo Radyo Dagupan International Correspondent Buddy Bernardino

Matatandaang iniwan na nina Prince Harry at dating hollywood actress na si Meghan Markle ang kanilang royal duties bilang Duke of Sussex at Duchess of Sussex nang isiwalat ni Markle ang pagiging racist ng Royal family hinggil sa hindi pagbibigay kilala sa kanilang anak dahil sa ibang kulay nito.

Samantala, pinabulaanan naman ng kapatid ni Prince Harry na si Prince William ang paratang ng mag-asawa.