Mas pinaiigiting ng Uganda ang pagtugon nito laban sa pandemya ng COVID-19 dahil sa pagkakatala nito ng variant ng Omicron.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Princess Jane Parreno Yiga na sa ngayon ay hinigpitan pa ang mga panuntunan sa mga health protocols at mas binibigyang diin ang pagbabakuna sa mga residente.
Aniya ngayon ay tinututukan ang pagbibigay ng booster shots sa mga mamamayan maging ang pagpapabakuna sa mga may commorbidities at mga taong edad lagpas 50 taong gulang.
--Ads--
Sa ngayon, nakapagtala ang Uganda ng 130,888 COVID-19 na impeksyon na may 3,274 na pagkamatay.