Naglabas ang TV host-actress na si Kris Aquino ng update sa kanyang kalusugan kasabay ng pagbabahagi niya sa napagdaanang heartbreak nang magkahiwalay sila ng ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan.
Sa kanyang post , makikita sa mga larawan na karga-karga siya ng anak niyang si Bimby papuntang restroom dahil hirap siya sa paglalakad.
Sa caption ng post, inilahad ni Kris ang “painful truth” na kanya ngayong kinakaharap dulot ng kanyang autoimmune diseases.
Kuwento ng aktres, hindi siya ngayon makalakad dahil sa steroid na itinuturok sa kanyang tuhod.
Parte ito ng gamutan sa kanyang lupus arthritis, polymyositis, at acute fibromyalgia.
Patuloy din daw ang pagbawas ng kanyang timbang na nakakaapekto sa kanyang paggalaw at paglalakad.
Umaasa raw siya na maging inspirasyon at pag-asa siya ng lahat ng mga taong ngayon ay may pinagdaraanan sa buhay.
Ito raw ang rason ng paghihiwalay nila ni Dr. Padlan.
Ayon pa roito, gusto raw ni Dr. Padlan na makabiyahe nang malaya na walang ibang iniisip lalo na ang kalagayan at kalusugan ni Kris.
Pagpapatuloy ni Kris, maluwag daw sa dibdib na tinanggap niya ang dahilan ng nobyo.
Noong June 29, 2024, nang isapubliko ni Kris ang relasyon nila ni Dr. Padlan.
Sa kabila ng pagtalikod umano ng iba, panatag daw ang aktres na ang pagmamahal ng kanyang pamilya, lalo na ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby, ay mananatili at magiging lakas niya sa pagharap sa iba pang hamon sa kanyang kalusugan.