Dagupan City –Naipamahagi ang payout ng mga benipisyaryo ng risk resiliency program ng DSWD Region 1 sa bayan ng Agno.
Isa rin sa aktibidad na isiangawa rito ay ang turn-over ceremony ng Department of Social Welfare and Development – Field Office I katuwang ang Local Government Unit ng Agno para panatilihin at bigyang kaalaman ang tungkol sa Risk Resiliency Program Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for Impoverished).
Ang Risk Resiliency Program Project LAWA sa BINHI Turn-Over Ceremony and Payout ay mayroong na ngayong higit sa 600 recipients mula sa 3 barangay ng Munisipyo.
Pinangunahan naman ito ni DSWD FO1 Regional Director Marie Angela Gopalan katuwang si MSWD Officer Grace May Taganap.