DAGUPAN, City – Nagdaos ng Turn-Over and Send Off ceremony of Ringnet fishing boat ang bayan ng Sual sa Pangasinan para sa mga benepisyaryo ng programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na “Capacitating Municipal Fisherfolk”.
Ayon kay Dir. Rosario Segundina Gaerlan, Regional Director ng BFAR Regional Fisheries Office 1 na ang programang ito na pinangunahan ng kanilang tanggapan at ng Local Government Unit (LGU) ng Sual ay may layuning mapanatili ang pangangasiwa ng mga yamang dagat.
Ang mga bangka ay nasa 37 ang mga naibahaging 62 feet steel fishing boat sa mga mangingisda ng barangay Damortis, Sto. Tomas, La Union.
Ang seremonyang ito ay dinaluhan ng ilang mga gobernador ng Rehiyon Uno kabilang na nga ang gobernador ng Pangasinan na si Gov. Ramon Guico III gayundin sina Arnulfo Escalao, Jr., ang Presidente ng Damortis Fisherfolks Cooperative, at si Atty. Demosthenes Escoto, Officer-in-Charge, ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Dagdag pa rito, ang programang ito ay maaari rin umanong makapagbigay ng karagdagan o alternatibong kabuhayan para sa mga benepisyaryo at gayundin upang masiguro ang seguridad ng mga pagkaing dagat sa lalawigan at maibsan ang kahirapan ng mga mamamayan partikular ng mga mangingisda.