Pinaigting ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan ang kanilang mandatong Support Services para sa mga magsasakang Pilipino ngayong mayroong COVID-19 pandemic.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. John Castriciones, sa ilalim ng naturang mandato ay ang kanilang pamimigay ng mga traktor sa mga magsasaka o ng mga farm tools & equipments pati na rin ng kanilang pamamahagi ng mga binhi at fertilizers.
Dagdag pa niya, kasama rin diyan ang paggawad nila ng mga pagsasanay sa mga magsasaka papaano sila matututo ng ilang technical skills.
Aniya, ito ay dahil alam umano ng kanilang kagawaran na kailangan ng mga magsasaka ng mga konkretong tulong mula sa pamahalaan.
Kailangan umanong iparamdam sa mga magsasaka na sila ay pinahahalagahan ng gobierno lalo ngayong may krisis na kinakaharap ang bansa at patunay na mahalaga ang kanilang kinatawan bilang mga magsasaka.