DAGUPAN CITY – Inanunsyo ni US president Donald Trump na magpapatupad siya ng 100 porsyentong taripa sa mga semiconductor na gawa sa labas ng bansa, bagama’t magkakaroon ng mga eksepsyon para sa mga kumpanyang namuhunan na sa US.

Lumabas ang balitang ito matapos ang hiwalay na anunsyo na mag-iinvest ang Apple ng $600 bilyon sa US, ngunit hindi ito ikinagulat ng mga tagasubaybay sa Amerika.

Sinabi ni Trump sa na plano niyang ihayag ang bagong taripa sa semiconductors sa loob ng susunod na linggo o higit pa, ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye.

--Ads--

Kaunti rin ang impormasyon tungkol sa kung paano at kailan ipatutupad ang mga taripa, ngunit mabilis na nagbigay ng reaksiyon ang mga semiconductor powerhouse sa Asya ukol sa posibleng epekto nito.

Ayon sa Taiwan, na tahanan ng pinakamalaking gumagawa ng chip sa buong mundo na TSMC, exempted ang kumpanya sa taripa dahil sa kasalukuyan nitong pamumuhunan sa US.

Noong Marso, inihayag ng TSMC na may mga kliyenteng tulad ng Apple at Nvidia na itataas nito sa $165 bilyon ang pamumuhunan sa US para palawakin ang paggawa ng chip at mga research center sa Arizona.