Patay ang isang trentay nwebe anyos na truck driver matapos na magulungan ng mismong truck na minamaneho nito sa bayan ng Tayug sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Orlando Delfin , nasa hustong gulang at residente ng nasabing bayan.
Naganap ang insidente sa kanilang quarry site sa brgy Guzon .
--Ads--
Lumalabas sa imbestigasyon na habang sakay sa minamaneho nitong 10 wheeler truck ang biktima ay natanggal ang lock ng ulo ng truck at dahil sa gulat at taranta ng biktima ay tumalon ito mula sa truck ngunit sa kasamaang palad ay nagulungan ito ng truck na nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Isinugod pa ito sa pagamutan ng mga katrabaho subalit idineklarang dead on arrival.




