BOMBO RADYO DAGUPAN-Ibinahagi ng Top 7 sa September 2023 Licensure Exam for Teachers (LET) ang kaniyang mga naging paghahanda upang mapabilang sa topnotchers.


Ayon kay Marinela Ocampo, Top 7 sa 2023 Licensure Exam for Teachers (LET), malaking impact ang nakamit nitong biyaya sa kaniyang buhay, dahil aniya, una pa lang ay ginusto na nitong mapabilang sa topnotcher, kung kaya’t labis ang kaniyang isinagawang pagrereview at pagsusumikap.


Kaugnay nito, kinakailangan naman aniyang panindigan ang mga gagawing desisyon, partikular na sa kagustuhang makapag-take ng board examination. Dagdag pa nito, maghanap ng isang review center na alam mong makapagbibigay ng may kalidad na reviewer.

--Ads--



Inamin naman ni Ocampo nakaramdam siya ng kaba sa magiging resulta, dahil na rin sa 2 buwan kasi ang hihintayin bago makita ito.


Naging inspirasyon naman ni Ocampo ang Panginoon, nobyo, at ang kaniyang ina na isang single mom.
Ibinahagi rin nito ang kaniyang mantra na kung hindi na nito alam ang sagot, ay pipiliin na lamang niya ang choice na ‘B’, dahil aniya, sumisimbolo ito sa kaniyang ina na Brenda ang pangalan.


Nagpasalamat naman ito sa kaniyang mga guro at mentors na patuloy na humubog sa kaniyang kakayahan.


Sa kasalukuyan, plano nitong bumalik sa probinsya ng Pangasinan nang sa gayon ay makapag-unwind, at magbalik ng utang na loob na rin sa mga taong tumulong sa likod ng kaniyang tagumpay.


Payo naman nito sa mga kukuha ng March 2024 Licensure Exam for Teachers (LET), mag-dasal, maging handa, magbasa, at mag-aral nang sa gayon ay makamit ang naturang lisensya.