Maglalagay ng mga solar lights upang magbigay-liwanag sa Tondaligan Blue Beach sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa plano, magsisimula ang pagpapalagay ng mga solar lights mula sa may Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Paras St., Bonuan Gueset, hanggang sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) Binloc.

Inaasahan na ang proyekto ay magbibigay ng mas maliwanag at ligtas na kapaligiran para sa mga mamamayan at mga turista.

--Ads--

Kasama rin sa mga plano ang pagtatayo ng isang Tourism Hub sa lugar kung saan magiging sentro ito ng mga aktibidad at mga bisita sa mga bagong pasilidad na ibibigay nito.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga kinatawan mula sa Department of Tourism (DOT) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa kanilang suporta sa proyekto.