Nasawi ang tinatayang 28 katao sa nangyaring plane crash sa South Korea.
Ayon sa ulat, may sakay ito na 175 pasahero at 6 na crew members mula sa Bangkok, Thailand.
Batay sa inisyal na imbistigasyon, nangyari umano ang kasidente matapos na lumagpas sa runway ang isang eroplanong Jeju Air flight 7C221 at sumalpok sa isang pader sa bahagi ng Muan International Airport ng South Korea kaninang umaga (Disyembre 29).
Sa kasalukuyan, dalawang indibidwal na ang natagpuang buhay at patuloy pa rin ang isinasagawang rescue operations.
Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung ano nga ba ang naging sanhi ng pagbagsak.
Makikita naman sa ilang mga video na ibinahagi ng lokal na media ang pag-skid ng twin-engine aircraft sa runway nang walang landing gear bago sumalpok sa isang pader at sumabog.