Nabigo ang 2025 World Champion T1 na makapasok sa First Stand Tournament 2026 matapos itong malaglag sa LCK Cup 2026 Playoffs nang matalo sa Dplus KIA ngayon gabi, February 22, 2026.

Nagwagi ang T1 sa unang round kung saan naging susi ang combo Zeri (10/4/7) ni Peyz at Yuumi (1/1/16) ni Keria.

Habang ang Pantheon (8/0/8) naman ni Oner ang naging daan sa T1 upang masungkit ang 2 round lead.

--Ads--

Gayunpaman, hindi pinagbigyan ng DK na tapusin ng T1 ang kanilang paghaharap sa 3-0 sweep.

Sa ikatlong round, ang power support ni Career gamit ang champion na si Nami (0/1/14) at ang deathless Ahri (4/0/6) ni Showmaker ang naging balakid sa T1.

Naging dikit ang harapan sa ikaapat na round subalit, hindi pinayagan ng DK na magwagi ang T1 at nauwi ito sa Round 5- do or die battle.

Sa Round 5, nanguna ang T1 sa early-to-mid game subalit, nakagawa ng malaking kalamangn sa late game ang DK upang makamit ang pwesto sa Finals.

Naitala ni DK Lucid ang 12.00 rating na may 4/1/8 KDA gamit ang champion na si Maokai.

Paglalabanan ng Dplus KIA at BNK FearX ang pwesto sa Championship kung saan ang magwawagi ay makakatapat ang koponan ng Gen.G.