Gumawa ng kasaysayan ang The Reflector, ang official student publication ng Pangasinan State University (PSU) Bayambang, sa 2025 Regional Higher Education Press Conference (RHEPC) matapos na magkamit ng prestihiyosong Top Performing Institution award.

Sa naging panayamng Bombo Radyo Dagupan sa mga ilanbg estudyante, ang karangalang ito ay natamo matapos ang laban laban sa 27 Higher Education Institutions sa buong Rehiyon 1 mula Pebrero 19 hanggang 21 sa Puerto de San Juan, La Union.

Sa gitna ng kompetisyon, ipinamalas ng The Reflector ang kahusayan nito sa iba’t ibang kategorya at nakamit ang maraming mataas na pwesto. Sa Group Category, namayagpag ang pahayagan, nakapagtala ng unang pwesto sa mga sub-kategorya tulad ng Best News, News Page, at Sports. Pinangunahan din nila ang mga award sa mga magasin, kabilang na ang DevComm Writing at Sports Writing, at nagpamalas ng tuloy-tuloy na tagumpay sa graphics at visual arts.

--Ads--

Sa mga Individual Competitions, nag-uwi ng mga nangungunang pwesto sa Writing at Graphics. Si Allyza Mae Garcia ang nangunguna sa DevComm Writing (Filipino), habang si Kyla A. Juan ay nakamit ang ikalawang pwesto sa Copyreading (English). Sa larangan ng graphics, si Lyka Versoza ang nagwagi sa Editorial Cartooning (Digital, English), at si Rhonnesza Gaile Fernando ay namayagpag sa Comics Strip at Editorial Cartooning.

Samantala, ang mga nagwagi mula unang hanggang ikalimang pwesto ay magsisilbing kinatawan ng rehiyon sa darating na Luzon-Wide Higher Education Press Conference (LHEPC) sa Quezon Province mula Abril 1 hanggang 3.

Nagpapasalamat naman ang PSU Bayambang sa mga key individuals at mga departamento na tumulong sa tagumpay ng kanilang partisipasyon.