DAGUPAN CITY- Nagpahayag ang gobyerno ng India na walang kialaman ang Muslim sa nangyaring pang-aatake sa isang lugar sa India, kasunod ng tensyon sa pagitan ng Pakistan at India.

Sa panayam kay Ma. Elena Ignacio, Bombo International News Correspondent sa India, kinumpirma niyang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng India at Pakistan kasunod ng isang pag-atake na ikinasawi ng ilang mga lalaki.

Aniya, hindi malinaw kung may opisyal na anunsyo bago ang insidente, at hanggang ngayon ay itinatanggi ng Pakistan na sila ang may kagagawan.

--Ads--

Bilang tugon, agad na ipinaalis ng India ang mga Pakistani military at empleyado sa Delhi, habang naghahanda naman ang Pakistan ng mga missile bilang hakbang.

Ipinasara rin ng India ang kanilang border sa Pakistan, kabilang na ang mga flight patungo roon, pati na rin anh Indus River, isang ilog na matagal nang pinagtatalunan ng dalawang bansa.

Nakaabang din ang publiko at media sa maaaring rally at riot kung lalala pa ang sitwasyon.

Aniya, may kaunting takot, pero buo ang tiwala nila sa diplomatic na paraan ng India sa pagresolba ng sigalot.

Samantala, nagpahayag ng suporta ang China sa Pakistan, ngunit wala pang pahayag ang Estados Unidos ukol sa panig nito.