Mga kabombo! May mga kakilala ka bang full-time teacher pero may iba pang pinagkakakitaan?

Aba! Baka ito na ang sign para gaawin mo itong babala kung siya ay guro sa Japan?

Natanggaal kasi sa trabaho ang isang guro sa Okayama, Japan, matapos mahuling suma-sideline sa isang convenience store na isang gawain na labag sa kontrata nang maraming empleyado sa Japan, kabilang na ang mga pampublikong guro.

--Ads--

Lumalabas na nakita at ini-report ang 60-anyos na guro sa Okayama City Board of Education na nagtatrabaho sa isang convenience store.

Hanggang sa tuluyan na itong kinumpirma ng kanyang school principal, na personal na pumunta sa convenience store isang Sabado, na araw ng pahinga ng guro.

Sa bansang Japan kasi ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng pangalawang trabaho.

Ang lohika nito ay upang matiyak na ang buong atensiyon at enerhiya ng isang empleyado ay nakatuon sa kanyang pangunahing trabaho.

Inamin ng guro na nagtatrabaho siya sa convenience store mula pa noong November 2023 upang madagdagan ang kanyang kita, matapos siyang “i-rehire” ng kanyang pinagtatrabahuhang eskuwelahan.

Humingi ng paumanhin ang guro para sa kanyang “hindi etikal” na gawain na nakasira umano sa tiwala ng publiko sa mga guro.