Dagupan City – ‎Maayos at matiwasay na naisagawa ang 10-araw na voter registration sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
‎
Sa kabila ng inaasahang dagsa ng mga magpaparehistro, naging organisado ang daloy ng proseso sa iba’t ibang registration centers sa probinsya.
‎
Nagpatupad ng sistematikong pila, maagang pagbubukas ng mga satellite booths, at tuloy-tuloy na serbisyo ang mga lokal na opisina ng Comelec katuwang ang mga barangay at volunteer groups.
‎
Kasama sa mga tumanggap ng aplikasyon ang mga bagong botante, maging ang mga nais mag-reactivate, at mag-update ng kanilang voter records. Ikinatuwa rin ng mga opisyal ang aktibong partisipasyon ng kabataan, na bumubuo ng malaking porsyento ng mga bagong rehistrado.
‎
Wala ring naiulat na aberya o kaguluhan sa buong panahon ng registration, bagay na iniuugnay ng Comelec sa maagang paghahanda at pakikipagtulungan ng mga LGU at iba pang ahensya ng gobyerno.
‎