DAGUPAN, CITY— Tila nagkaroon ng fire drill ang tanggapan ang Tayug Police Station matapos masunog ang ikatlong palapag ng kanilang himpilan nitong weekend.


Ayon kay PMAJ. ROMMEL SEMBRANO, OIC ng TAYUG PNP, tinangka pa umano ng kanilang hanay na apulahin ang apoy sa nabanggit na palapag ng kanilang opisina particular ang PNCO headquarters matapos makita ang makapal at maitim na usok mula roon ngunit nabigo umano silang mapigilan ito.


Aniya, mabuti na lamang at kalapit lamang ng kanilang himpilan ang Bureau of Fire Protection (BFP) Tayug kaya naman agad sila na nakahingi ng augmentation mula sa kanila at sa mga kalapit din ng BFP stations.

--Ads--


Isinalaysay din niya na halos pagsapit ng alas-4 ng hapon nang magsimula at sunog at ideneklarang fire-out nang 4:55 ang nasabing sunog.


Saad ni Sembrano, sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Tayug, faulty electrical wire sa ceiling distribution ang nakikitang ugat ng nabanggit na insidente.


Sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan naman umano lahat ng operasyon ng nabanggit na himipilan at wala namang mga mahahalagang file o gamit ang natupok ng apoy.