Makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa tatlong weather system ayon sa state weather bureau.

Batay sa datos na inilabas ng PAGASA, ang naiulat na shearline ay may dalang maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pag-kidlat sa bahagi ng Cagayan, Isabela, at Aurora.

Habang ang easterlies naman ay madudulot ng malawakang maulap na panahon at patak ng ulan sa Quezon Province, Metro Manila, at nalalabing bahagi ng bansa.

--Ads--

Maapektohan din ng Northeast Monsoon o amihan, ang Ilocos Norte, Apayao, Batanes, at Babuyan Island na inaasahang makakaranas din ng makulimkulim at mahinang pag-ulan.

Samantala, patuloy naman ang pagpapaalala ng PAGASA na ang mga ganitong kondisyon ng panahon ay maaring maging sanhi ng flashfloods o landslides lalo na sa mga oras na malakas ang pagbuhos ng ulan kung kaya’t patuloy na pinag-iingat ang publiko.