Maraming perwisyong dinudulot ang panibagong insidente ng wildfire sa California sa Estados Unidos kung saan nasa tatlong pangunahing mga daanan sa mga apektadong lugar ang sarado na.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa na ang mga ito ay isa sa mga pinakaabalang mga daanan sa estado kung saan kapag sinarado ang mga ito ay magdudulot ng malaking abala lalo na at nasa 500, 000 na mga sasakyan ang dumadaan dito kada araw.
Bukod dito ay nadagdagan din ang pinsala sa mga istruktura na ngayon ay nasa 13,000 na at ang mga naipaulat na nasawi ay umabot na sa 27 katao.
Lubos din na apektado ang air quality doon kung saan sa LA County ay masyadong naging mausok dahilan malaki ang epekto ng mga dust sa baga ng tao.
Marahil ay inaasahan na lalakas ulit ang hangin kasabay din nito ang paglakas ng apoy at hindi parin tiyak kung kailan ito titigil.
Sa kasalukuyan ay sarado ang mga opisina roon at ang mga hotel naman ay fully booked dahil sa mga evacuees kung meron man aniya ay napakamahal ang presyo.