BOMBO DAGUPAN -May tatlo nang nasawi mula sa hanay ng transport sector dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa heat stroke dulot ng nararanasang matinding init na panahon.

Matatandaan na ang Pangasinan partikular dito sa lungsod ng Dagupan ang isa sa mga lugar nakapagtala ng napakataas na heat index sa bansa mula 45-49 C.

Ayon kay Bernard Tuliao ang Presidente ng One Pangasinan Transport Federation, kumpirmado ang 2 na kasamahan nila dahil ang rota ng mga ito ay sa mismong area niya na Calasiao-Dagupan habang ang 1 naman ay mula sa eastern part ng lalawigan.

--Ads--

Aniya na ang unang pagkasawi ay nangyari noong buwan ng Abril kung saan nakaramdam umano ito ng pagtaas ng presyon ng dugo kaya huminto munang pumasada, ang isa naman ay isang operator na namamasada pa kung saan may history na rin sa nasabing sakit.

Nagbigay naman ang kanilang samahan ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga nasawi.

Samantala, nasa humigit kumulang 6 na libo ang kabuuang bilang ng mga drivers at operators na kasapi ng kanilang nasabing pederasyon.